Pinoy na 'tulak' ng droga sa US, tiklo

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Filipino green card holder na dating nag-aangkat ng ‘shabu’ sa Pili­­­pinas patungong Guam sa pamamagitan ng pagpapalusot nito sa biyahe ng pinapasukang airlines company.

Nakatakdang ideport sa Es­tados Unidos si Mario F. Mer­cader, may mga alyas na “Super Mario”, “Boy George”, “Supot”, at “Sacho Boss”, 60-anyos, residente ng Balagtas Villas, Manila upang iharap sa mga kasong may ka­ugnayan sa iligal na droga.

Sa ulat ni NBI Foreign Liai­son Division (FLD) chief, Atty. Claro de Castro Jr., may ex­tradition request ang US government laban kay Mercader matapos itong madiin sa kasong “Conspiracy to Import Methamphetamine Hydro­chloride”, o kilala sa Pinas na ‘shabu’­, “Conspiracy to Dis­tribute Methamphetamine Hydrochloride”, “Importation of Methamphetamine Hydrochloride”, at Distribution of Metham­phetamine Hydrochloride.”

Nahaharap sa nasabing kaso sa United States District Court sa Guam ang suspect.

Sa ulat, ang kaso ni Merca­der ay nag-ugat nang mabuko siya at ang kanyang hindi pa bina­banggit na pangalan ng defendants sa pagbibiyahe mula sa Pilipinas patungong Guam simula 1995 hanggang Nob­yembre 1997, at nagpapa­kalat din umano sa iba pang panig ng US ng droga. 

Show comments