MANILA, Philippines - Pinayagan na ng Quezon City Court na bumalik sa ospital si road rage suspect Jason? Ivler para doon gamutin ang kanyang sugat pero agad itong babalik sa kulungan kapag magaling na ito.
Ito ay makaraang pakinggan ng korte ang kahilingan ni Atty. Priscilla Marie Abante na payagang magamot sa ospital ito dahil sa nakitang dugo na lumalabas mula sa sugat nito sa tiyan.
Bagamat sinabi ng prosekusyon na hindi naman malubha ang sakit ni Ivler binigyan pa rin ni QC-RTC Branch 219 Presiding Judge Bayani Vargas na makapagpagamot sa ospital si Ivler. Binigyan ng direktiba ng korte ang QC Jail Warden para makalabas ng kulungan si Ivler at madala sa pagamutan.