2 sinalvage sa Maynila

MANILA, Philippines - Dalawang hindi pa kilalang lalaki ang natagpuang patay at may mga tama ng bala ng baril, sa Paco, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan lamang ang isa sa edad na 20-25, may taas na 5’5-5’6, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi habang ang isa pa ay nasa edad 19 hanggang 24, katamtaman ang pangangatawan at may taas na 5’5-5’6.

Sa ulat ni PO2 Jupiter Tajonera ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4 ng madaling araw nang makitang may dalawang nakabulagtang lalaki sa may panulukan ng Lantin at Figueroa sts., Paco, Maynila. Hindi pa rin matukoy ng pulisya kung napa-trouble o hinoldap ang mga biktima. Nakalagak sa St.Patrick Funeral Homes ang mga bangkay para sa awtopsiya at safekeeping.

Show comments