Human trafficker tiklo

MANILA, Philippines - Isang hinihinalang human trafficker ang na­aresto sa aktong nag-e-escort sa anim na sina­sabing undocumented overseas Filipino workers (OFWs) na patungong Le­banon, sa Diosdado Ma­capagal International Airport, sa Clark, Pampanga.

Kinilala ni Immigration officer in charge Ronaldo Ledesma ang suspect na si Marsha Mendoza, resi­dente ng Angeles City, ang sinasabing courier ng human trafficking syndicate.

Kasamang pinigil sa departure area ang anim na babaeng nakuhanan o nagprisinta ng mga doku­mentong pawang mga peke umano.

Nakatakda nang sam­pahan ng kasong pagla­bag sa Anti-Traf­ficking In Persons Act si Men­doza sa Angeles City Prosecutor’s Office.

Ayon kay Atty. Carlos Capulong, head supervisor ng Immigration sa DMIA nabisto ang mga pekeng dokumento ng anim na Pinay na hindi pinanga­lanan matapos lumitaw na walang invitation para sa kanila para dumalo sa isang seminar sa HongKong.

Nabatid na gagawing  jump off point lamang umano ang HongKong ng mga Pinay patungong Le­banon para mamasu­kang domestic helper.

Tinangka ng suspect  na suhulan ng P60,000 ang isang immigration officer mapayagan lamang na makaalis ng bansa ang 6 na kaniyang ini-eskortan.

Show comments