MANILA, Philippines - Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Korean National na iligal na nagpapatakbo ng isang tutorial school sa bansa nang walang mga kaukulang dokumento at permiso mula sa Kagawaran.
Kinilala ang mga ito na sina Woo Yeol Shin at Han Jung Jang, pawang mga Korean National. Ayon kay BI Officer-in-Charge Ronaldo Ledesma, sa kanilang imbestigasyon ay lumitaw na walang accreditation para makapag-operate ng eskwelahan sina Woo at Han.
Nabatid na ang “I Will Communicate Inc.”, na nasa Olongapo ay tumatanggap ng mga dayuhan estudyante at naniningil ng $20 libo sa anim na buwan.
Ang dalawa ay kasalukuyang nasa Immigration Jail na sa Bicutan, matapos na maaresto ng grupo nina Atty. Faizal Hussin ng BI Intelligence Division sa Olonggapo.