104 huli sa liquor ban

MANILA, Philippines - May 104 katao ang na­dakip kamakalawa ng gabi ng Quezon City Police District­ (QCPD) dahil sa ipi­na­patupad na liquor ban ng Commission on Elections ka­ugnay ng Barangay at Sangguniang Election ngayon.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Benjardi Man­tele, ang mga naares­tong kala­lakihan ay mula sa iba’t ibang lugar sa lung­­sod ma­tapos ang pagpapa­trulya ng mga mobile patrol unit.

Base sa talaan ng QCPD, pinakamataas na istasyon ng pulisya na naka-aresto ng mga lu­malabag sa liquor ban ay ang Police Station­ 6 na nagtala ng 43 katao; su­munod ang Station 11, 31 katao; Station 1, 20 katao; at Station 9, 10 katao.

Show comments