Trader niratrat, patay

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa  mapatay ang isang negosyante ng hindi pa nakilalang  suspek habang ang una ay nagsasara ng kanyang tindahan sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Dead on the spot ang biktimang si  Policarpio Bautista, ng Women’s Club St., Brgy. Hulong Duhat ng nasabing lungsod, nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa hindi pa nakikilalang suspek.

Naganap ng insidente dakong alas-12:01 ng madaling-araw sa harapan ng tindahan ng biktima sa nabanggit na lugar.

Nabatid,  na kasalukuyang nagsasara ng tindahan ang nasawi nang bigla na lamang sumulpot ang hindi nakilalang suspek at agad na binaril ang negosyante.

Pagbagsak ng biktima ay nilapitan pa ito ng suspek at dalawang beses pa nitong pinagbabaril si Bautista bago mabilis na tumakas.

Inaalam pa ang motibo sa isinagawang krimen.

Show comments