MM binaha sa 'buntot' ni Juan

MANILA, Philippines - Nagdulot ng pagbabaha sa ilang mabababang lugar sa Metro Manila ang bagyong “Juan” na nagdulot ng bigat ng trapiko ngunit wala namang naitalang panganib sa buhay ng publiko.

Sa datos na nakalap ng Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) Metro­base, hindi nadaanan kahapon ng anumang uri ng behikulo ang Marinduque St. sa Purok 2A, Lower Bicutan, Taguig City dahil sa 37-pulgadang taas ng baha habang may 10-pulgadang baha naman sa Cemetery Cen­tennial Village sa may C-5 sa naturang lungsod.

Ang iba pang nakakaranas ng baha ay ang McArthur High­way sa Santiago, Malanday, Marikina City (7 pulgada); 11th Street, Caloocan City (13 pul­gada), Pio Valenzuela patu­ngong McArthur Highway sa Navotas (3-4 pulgada), N. Naval, Gov. Pascual, P. Garcia sa Navotas (1 talampakan), Gen. Luna St., Bgy. San Agustin I at Magsaysay St., Brgy. San Agustin, Navotas (6 pulgada).

Sinabi naman ni Marikina City spokesman, Paul Sison na umabot sa 14 na talampakan ang tubig-baha sa Tumana River.  Kung aabot sa 15 metro, aakyat na ito sa “1st alert” kung saan pakikilusin na ang ka­nilang naka-standby na rescue units sa mga apektadong lugar upang palikasin ang mga residente.

Idinagdag nito na naging malaking tulong ang ikinabit nilang “closed circuit television (CCTV) cameras” sa mga tulay kung saan namo-monitor nila ang pag-akyat ng tubig-baha ng eksakto sa oras at agad silang nakapaghahanda.

Show comments