100 bahay naabo sa sunog sa QC

MANILA, Philippines - May 100 kabahayan ang naabo matapos su­miklab ang sunog sa isang ba­ rangay sa lungsod Que­zon kahapon. Ayon sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection, ang sunog ay nag­simula sa bahay ng isang Jojo Valen­zuela na mata­tagpuan sa Abbey Road, malapit sa Brgy, Sauyo Road, Ibayo 2, Bagbag Novaliches sa lungsod.

Nagsimula ang sunog ganap na ala-1:46 ng hapon nang bigla na lamang umanong may uma­poy sa ikalawang pa­lapag ng bahay ng pamilya Valen­ zuela. Dahil pawang mga gawa lamang sa light materials ang mga kaba­hayan ay madaling ku­malat ito hang­gang sa madamay na rin ang iba pang kabahayan.

Umabot naman sa Task Force Alpha ang naturang sunog kung saan nahirapan ang mga pama­tay sunog na maapula ito dahil sa masikip na es­kinita. Dahil dito, kanya-kan­yang buhat ng mga gamit ang mga apekta­dong pa­milya sanhi upang mag­sikip naman ang da­anan ng mga rumispon­deng bumbero.

Ganap na alas- 2:30 ng hapon nang ideklarang fire out ang naturang sunog. Tinatayang aabot na­man sa 200 hanggang 300 pamilya ang nawalan ng tirahan sa nasabing sunog at ang halaga ng pinsala ay aabot sa P3 milyon. Patuloy ang pagsisi­yasat ng pamatay sunog sa nasabing insi­dente upang matukoy ang sanhi nito.

Show comments