Taas pasahe sa MRT at LRT baka sa 2011 pa

MANILA, Philippines - Posibleng sa susunod pang taong 2011 maipa­tutupad ng Department of Transportation and Com­munications (DOTC) ang planong dagdag pasahe sa Metro Rail Transit at sa Light Rail Transit.

Nilinaw ni DOTC Un­der­secretary Dante Ve­lasco na public consulta­tions pa lamang ang ka­nilang gagawin sa Nob­yembre at hindi ang im­plementasyon nito.

Magiging depende umano ito sa magiging tagal ng proseso ng kon­sultasyon.

Kung mapapadali, po­sible umano na maipa­tupad ang dagdag pa­sahe sa Disyembre. Ngu­nit kung ikonsidera ang tamang panahon, ma­lamang na hindi ito ma­isakatuparan at posib­leng sa taong 2011 na.

Sinabi nito na magi­ging napakabigat ng bilang ng pasahero sa Disyembre at tiyak na maraming aangal kung isasabay sa “rush hour” ang pagtataas ng singil sa MRT at LRT.

“Marami kasing fac­tors na pinag-aaralan like ridership,” ani Velasco. “Considering the pro­cess, it may not happen in November.”  Tiniyak naman nito na matatapos ang pag-aaral ngayong buwan at konsultasyon sa Nobyembre.

Nabatid na nais tap­yasan ng pamahalaan ang P7 bilyong taunang subsidiya na ibinibigay sa MRT at LRT patungo sa P5 bilyon.  Ang matitipid na P2 bilyon umano ay ilalaan sa ibang mga serbisyo sa publiko ng pamahalaan.

 Nanawagan naman sa DOTC ang National Council for Commuter’s Protection (NCCP) na isama ang kanilang grupo sa konsultasyon upang maipagtanggol naman nila ang kapa­kanan ng mga mana­nakay.

Show comments