Selosan sa bebot, kosa tinigok

MANILA, Philippines - Patay ang isang miyembro ng Batang City Jail (BCJ) nang resbakan ang ‘kakosa’ na kanyang pinagselosan, matapos maunahan sa kanilang pagdu-duwelo sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Sa Tondo Medical Center tuluyang binawian ng buhay ang bik­timang si Jimmy Delos Santos, alyas “Bugoy”, ng Tambakan Dump­site, Pier 18, Vitas Tondo, Manila sanhi ng saksak sa katawan.

Nakatakas naman ang suspect na kinilalang si Garry Lucanias, miyembro din ng BCJ at kapitbahay ng biktima.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng gabi   sa Tambacan Dumpsite, Pier 18, Vitas Tondo, Manila.

Nabatid na sinundo ng biktima ang live-in partner niyang si Glenda Bajar, 19, sa bahay ng suspect nang makitang naki­kipag-inuman umano ito matapos imbitahan sa birthday ng huli.

Sinapak ng biktima sa mukha ang kaniyang live-in partner at puwersahang iniuwi sa kanilang bahay.

Ilang minuto ay bumalik ang biktima na armado ng patalim at dinatnan ang suspect na nakikipag-inuman sa mga kaibigan at doon nagsalubong dahil armado rin ng patalim ang suspect.

Naunahang masaksak ang sumugod na biktima  at saka tumakas na ang suspect.(Ludy Bermudo with trainee Fernando Cabigao)

Show comments