Barkong pangisda, nagliyab

MANILA, Philippines - Isang barkong pangisda ang nagliyab sa Navotas Shipyard kahapon ng umaga. Sa report na nakalap ng Navotas City Fire Department, nabatid na dakong alas-8:05 ng umaga nang bigla na lamang magliyab ang M/V Epirose na pag-aari ng Mercador Shipping Company habang ginagawa ito sa Navotas Shipyard na matatagpuan sa M. Naval St., Brgy. San Roque ng nasabing lungsod. Mabilis namang rumesponde ang mga bumbero sa nagaganap na sunog at makalipas ang halos isang oras ay na­apula ang sunog na puminsala sa mahigit kumulang P100,000 halaga ng mga gamit sa loob ng barko. Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa naganap na sunog ngunit pansamantala namang nahinto ang operasyon dito.

Show comments