Taxi driver utas sa holdap

MANILA, Philippines - Isang taxi driver na hini­hinalang biktima ng pangho­holdap ang natagpuang patay at tadtad ng tama ng saksak sa katawan sa loob ng kan­yang minamanehong sasak­yan sa lungsod Quezon ka­hapon.

Kinilala ni SPO2 Rafael De Peralta, Investigation chief ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktimang si Medel Apa­cible ng no. 1565 B-Fabi Subd., Paco, Maynila.

Batay sa ulat, natagpuang patay at naliligo sa dugo sa loob ng A.A. Galang Taxi (TXK-702) ang biktima ha­bang nakaparada sa isang bakan­teng lote sa may Sta Lucia St., Quirino Highway ban­dang alas-5:30 ng ma­daling-araw. Nag­tamo ito ng 20 saksak sa katawan.

Hinala ni De Peralta, po­sible umanong bik­tima ng panghoholdap ang biktima at pumalag ito kung kaya tinulu­yang patayin sa pamamagitan ng pananaksak.

Isang Tito Sorca naman ang nag-usisa sa taxi kung saan nang lapitan niya ay saka bumulaga sa kanyang harapan ang duguang kata­wan ng biktima na nakaupo sa bandang likuran ng sasakyan.

Ka­salukuyang nagsasa­gawa ng masusing imbesti­gasyon ang QCPD para ma­tukoy ang salarin na hinihi­nalang mga drug adik bunga ng uri ng pagpatay na ginawa ng mga ito.

Show comments