Naghatid ng nobya, itinumba

MANILA, Philippines - Hindi sukat akalain ng isang binata na ang paghatid nito sa kanyang nobya ang maging dahilan ng kanyang kamatayan matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang suspek kahapon ng umaga sa Malabon City. Namatay sanhi ng tama ng bala sa katawan ang biktimang si Wendell Conte, 24 ng Gozon Complex, Letre, Tonsuya ng lungsod na ito. Samantala, blanko pa ang pulisya hinggil sa suspek ng naturang biktima. Naganap ang insidente dakong alas-2:45 ng umaga sa Gozon Complex ng nabanggit na siyudad. Ihahatid ng biktima ang kanyang nobyang si Lilibeth at habang naglalakad ang dalawa    ay sumulpot ang suspek at binaril si Conte.

Show comments