4 na holdaper timbog

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng MPD ang 6 na armadong kala­lakihan lulan sa isang walang plakang tricycle ay pinani­niwalaang magsasagawa ng panghoholdap sa Batangas St., Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw. Nakapiit na sa MPD-District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ang mga suspect na kinilalang sina Sherdy Quiros, 28, miyembro ng Commando gang; Jomel Layosa, 19,  miyembro ng Sulasok gang; John Paul Manalo, 19, miyembro ng  Di Loko Gang at ang sina­sabing lider ng grupo na si Nino Boy Pangilinan, 18, Dalawa sa kanila ang nakatakas. Ayon sa pulisya naagapan lamang nila ang nakatakdang panghoholdap ng grupo nang sitahin nila dahil sa kahina-hinala kilos at walang plakang tricycle na sinasakyan. Nakumpiska mula sa mga suspect ang  2 pirasong samurai, kalibre .38 baril at tatlong bala. “Ipang-iinom lang naman namin yung makukuha namin. Wala lang kaming pang toma,” ayon sa suspect na si Pangilinan.

Show comments