Ama kalaboso sa pang-aabuso sa anak na paralitiko

MANILA, Philippines - Sa kabila na may brain tumor at paralisado ang kala­hating katawan ng kanyang 15-anyos na anak nagawa pa itong gawing sex slave ng sariling ama sa loob ng kani­lang tahanan, sa Tondo, Maynila.

Depensa naman ng suspect na si Bonifacio Ordonez, nagsumbong umano ang biktimang itinago sa panga­lang “Ana”, sa kaniyang naka­tatandang kapatid nang muling halayin noong Linggo lamang.

Hindi na umano maalala ng biktima kung ilan at kailan ginawa ang iba pang insidente ng panggagahasa subalit iginigiit nito na maraming beses na at pinakahuli noong Sept. 5 nang maramdamaan niyang may humihipo sa kanya at nang dumilat ay nakita niyang hinubaran siya ng panty at shorts ng ama.

Hindi niya umano napi­gilan nang patungan siya ng ama kaya’t matapos iyon ay nagawa niyang isumbong sa ate na nagdala sa kaniya sa Manila Police District-Women and Children Concern Division.

Kinukumpleto pa ng WCCD ang mga ebidensiya tulad ng  medico legal findings na gagamitin sa pagsasampa ng rape.

Show comments