Single mom hulog mula sa 19th flr. ng condo

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan ng pu­lisya ang pagsa­sampa ng kaukulang kasong kri­minal laban sa isang lalaki matapos na mahulog mula sa ika-19 palapag ng condo hotel ang kan­yang syota sa Barangay Poblacion Makati City kamaka­lawa.

Nasawi sa pagka­bagok ng ulo si Lesly Casala, 25, kawani ng Lesly Corporation sa Dama de Noche St., United Parañaque Sub­division, Parañaque City.

Bagamat hindi pa ma­ituturing na suspek, su­masailalim ngayon sa imbestigasyon si Domi­nador Medina.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon ni PO3 Jayson David, magkasama ang dalawa sa Room 1901 Sunnet Tower na na­ganap ang insidente da­kong alas-3 ng madaling-araw.

Nabatid sa ulat na nagising na lamang ang lalaki na wala sa kan­yang tabi ang babae

Matapos ang ilang minutong paghahanap ay tinawagan siya ng staff ng condo hotel na may nangyari.

Ayon sa salaysay ni Dominador, bago ma­ganap ang insidente, naging balisa ang bik­tima sa hindi malaman na dahilan.

Nabatid na dalawang buwan nang mag-syota ang dalawa kung saan tanggap naman ng lalaki ang kalagayan ng babae na may anak ito sa iba.

Show comments