Yabut sibak din

MANILA, Philippines - Samantala, sinibak na rin sa puwesto ni NCRPO chief P/Director Leocadio San­tiago si Sr. Supt. Nelson Yabut, hepe ng Dis­trict Mobile Group ng Manila Police District.

Nabatid na si Yabut ay sumama sa assault team sa naganap na hostage noong Lunes at nakita pang gumamit ng maso na ipinukpok sa salamin sa bintana ng tourist bus habang prinoprotektahan ng ilang pulis. Nakunan pa sa video footages ng mga television network na nabitiwan ni Yabut ang maso. Ang opisyal ay nakasuot lamang ng General Office Attire (GOA) uniform at field cap na naka­baligtad pa sa ulo ang pagkakasuot.

 Ayon kay Santiago, bagaman si Yabut ay siya ring hepe ng MPD’s Public Safety Battalion, pinuno ng Mobile Patrol Unit, Civil Disturbance Management Unit at Rapid Deployment platoon ay wala itong suot na Kevlar helmet at bullet proof vest ng sumama sa paglusob ng SWAT personnel.

Show comments