MANILA, Philippines - Nakatakdang imbestigahan ng konseho ng Maynila sa pamamagitan ng binuong an ad-hoc committee ang pakiki-alam umano ng International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) sa isinasagawang reclamation sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila.
Ayon sa officials documents, walang sinuman ang pinapayagang magsagawa ng anumang reclamation. Ang ICTSI ay maritime terminal operator ng Port of Manila at itinatag ni Enrique K. Razon, Jr.
Sinabi ni Vice Mayor Isko Moreno na mayroong kasalukuyang ordinansa na nagbibigay ng karapatan sa city government na bantayan at proteksiyunan ang lugar.
Maaari lamang umanong magsagawa ng reclamation kung may consent ang alkalde ng Maynila at kailangan na dumaan sa konseho.
Lumilitaw na walang anumang isinumiteng dokumento ang ICTSI .
Ayon naman kay 3rd District Councilor Joel Chua, may akda ng resolution kailangan na pangalagaan at iregulate ang bahagi ng tubig na nasasakupan ng lungsod ng Maynila upang mas mabigyan ng proteksiyon.
Ang ad-hoc committee na magsasagawa ng imbestigasyon ay kinabibilangan nina Councilors Ernesto Isip, Jr., Chairman; Joel R. Chua, Vice Chairman; Honey Lacuna-Pangan, Marlon Lacson, Casimiro Sison, members.