BI maghihigpit sa turistang Pinoy

MANILA, Philippines - Bilang hakbang sa pagla­ban sa human trafficking, hi­nig­pitan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapalabas ng bansa sa mga Pinoy na turista.

Sa ipinalabas na kautusan ni BI Officer in Charge Ro­naldo Ledesma, inatasan nito ang lahat ng BI personnel sa lahat ng pangunahing palipa­ran sa bansa ang “strict departure formalities” sa mga papa­labas na Pinoy kasabay na­man ng pagbasura sa naka­raang memorandum order kung saan nagbibigay kaluwa­gan sa polisya ng BI kaugnay sa mga papaalis na Filipino.

Paliwanag ni Ledesma na ipinapatupad lamang ng BI ang nakasaad sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 kung saan na­ka­saad ang masusing pag­suri sa travel papers at pre-departure requirements ng biya­herong overseas Filipino workers­ (OFWs).

Nakasaad din sa nasabing kautusan ang mahigpit na pagsusuri sa papaalis na asawa ng isang dayuhan at kinakailangang magsumite ng travel clearances mula sa social welfare authorities sa mga bibiyaheng menor na walang kasama.

Idinagdag pa ni Ledesma na bukod sa anti-trafficking act, mahigpit ding ipapatupad ng immigration officers ang iba pang batas tulad ng The Migrant Workers Act, The Passport Act at Revised Penal­ Code.

Show comments