Wanted na trader timbog ng NBI

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga ta­uhan ng NBI ang isang negos­yante na matagal nang pinaghahanap ma­tapos na masangkot at sampahan ng kaso sa iba’t ibang korte sa Metro Manila.

Nakilala ang suspect na si Rico Roque Alpa­para, may mga kasong estafa, grave coercion, paglabag sa Batas Pam­bansa 22 at may warrant of arrests mula sa Pasig City, Que­zon City, at Ca­inta Re­gional Trial Courts. 

Nabatid na si Alpa­para ay naaresto sa Pam­panga matapos na isa­gawa ng NBI ang isang entrap­ment opera­tion kama­kalawa.

Lumilitaw na nagsa­gawa ng malawakang man­­­­hunt ang Makati City Police at NBI laban sa suspect ma­tapos na maka­takas mula sa mga awto­ridad noong Lunes sa Jupiter St., Makati City habang naka­pa­rada ang sasakyan nitong Honda Civic na may plakang RGB-884 sa con­ve­nience store sa Total gasoline station.

Agad na lumabas ng con­venience store si Alpa­para nang marinig ang sirena ng mobile car kung saan sinagasaan nito ang mga halaman, concrete beam at barrier ng MMDA.

Nagawa na­mang ma­ka­takas ni Alpa­para pa­tungo sa Metro­po­litan Avenue at SLEX.

Nagpapanggap si Al­papara na seller at buyer ng BMW cars kung saan modus operandi rin itong bu­mili ng BMW cars at mag-iisyu ng post-dated checks bilang bayad.

Show comments