Parañaque fire: Mag-tiya patay

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang mag-tiya matapos la­mu­­nin ng malakas na apoy ang kanilang tini­tirhan sa sunog na na­ga­nap sa Parañaque City ka­hapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ang mga na­sawi na sina May­leen Ju­balde, at pa­mang­kin nitong si Eman Jubalde, 16, kapwa ng 24 Michael St., Krausse Ville, Brgy. San Isidro, ng na­banggit na siyudad.

Nakaligtas naman ang kanilang kasam­bahay na si Isabel Fabo, matapos itong du­maan sa likurang bahagi ng bahay.

Sa report ng Para­ña­que City Fire Dept., naga­nap ang insidente pa­sado alas-12:05 ng ma­da­ling-araw kung saan unang kumalat ang apoy sa unang palapag ng bahay na pag-aari ni Rowena Matsukawa sa natura ring lugar.

Samantalang ang dalawang biktima na­man ay natutulog sa attic ng duplex-type na may da­la­wang pala­pag sa na­banggit na lugar.

Mabilis na kumalat ang apoy at hindi na na­gawang mailigtas ang mga biktima na sinasa­bing nakulong sa ma­kapal na ring usok.

Dakong ala-1:40 ng madaling-araw nang ma­tagpuan ang bang­kay ng mga biktima, matapos ma­apula ang apoy. Ina­alam pa ang san­hi ng sunog.

Show comments