5,000 bus lamang dapat ang nasa Edsa - LTFRB

MANILA, Philippines - Aabutin lamang sa 5,000 mga Metro Manila at provincial buses ang legal na gumamit sa kahabaan ng Edsa. Sa isang panayam, sinabi ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Dante Lantin, sa kasalukuyan ay patuloy ang pagsa­sagawa nila ng pag-iimbentaryo sa mga bus na gumagamit ng Edsa at nakapag-imbentaryo na sila ng may 1,003 mga bus na pawang legal o may prangkisa.

Anya sa buwan ng Oktubre ay tapos na nilang maim­ben­taryo ang lahat ng mga bus na pumapasok at lumalabas sa Metro Manila na umaabot sa 13,000 units.

“Sa nume­rong yan, di pa natin alam ngayon kung ilan ang colorum diyan, pa­tuloy pa ang imbentaryo natin, mahigit pa lamang sa one thousand ang natatapos natin pero sa Edsa ang legal na dapat dumaan lang diyan ay 5,000 units provincial and Metro Manila buses dahil yan lang ang may prangkisa diyan”pahayag ni Lantin.

Show comments