Rookie cop todas sa motorsiklo

MANILA, Philippines - Patay ang isang bagitong pulis matapos tumilapon mula sa kanyang minamanehong motorsiklo kahapon ng ma­daling-araw sa Valenzuela City. Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospita­l sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si PO1 Rogelio Sotero Jr., 30, nakatalaga sa Caloocan City Police at residente ng Ignacio Compound, Santa Quiteria, ng nabanggit na siyudad.

Ayon sa report ng pulisya, nabatid na alas-12:30 ng ma­daling-araw naganap ang insidente sa kahabaan ng Gen. T. De Leon St., Brgy. Gen T. De Leon, Va­len­zuela City.

Minamaneho ng bik­tima ang kanyang motor­siklo, Honda TMX (BL-8386) at habang binabagtas nito ang nabanggit na lugar, bigla na lamang itong tumilapon na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Show comments