300 bahay naabo sa sunog

MANILA, Philippines -  Tinatayang aabot sa 300 kabahayan ang naabo sa isang sunog na naga­nap sa Malabon City ka­ma­kalawa ng gabi.

Base sa report ng Ma­la­bon City Fire Depart­ment, nabatid na alas-11 ng gabi nang magsimulang magliyab ang isang bahay sa Sitio Gulayan, Brgy. Catmon ng lungsod na ito.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang mga kapitbahay nito dahil kara­mihan ay gawa sa light ma­terials. Wala namang na­iulat na nasaktan o na­sawi sa nasabing sunog kung saan inaalam na ang pinag­­mulan.

Nabatid na karamihan sa mga kalsada sa na­sabing lugar ay pawang mga ginagawa kung kaya nahirapan na makarating ang mga bumbero.

Pansamantalang inila­gay sa tennis court ng na­sabing barangay ang mga residenteng biktima ng sunog.

Show comments