Sadistang ama kalaboso

MANILA, Philippines - Halos hindi makalakad ang magkapatid na totoy nang gulpihin ang mga ito ng kanilang sariling ama dahil maingay ang mga biktima na ikinagalit ng huli kamakalawa sa Navotas City.

Kapwa bugbog-sarado ang mga biktima na nasa edad 14 at 12, nakatira sa Policarpio St., Brgy. San Jose ng lungsod na ito. Arestado naman ang kanilang ama na si Dennis Castillo, 49.

Sa report na nakarating kahapon sa Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon sa nabanggit na lugar.

Nabatid na lasing ang suspek at natutulog ito sa loob ng kanilang bahay nang magha­bulan ang mga biktima dahil naglalaro ang mga ito.

Naalim­pungatan ang suspek at nagalit kung kaya’t walang awa nitong binugbog ang dalawang anak at natigil lamang ang panggu­gulpi ng suspek nang dumating ang kanyang misis.

Naawa ang misis sa sinapit ng kanyang mga anak na naging dahilan upang pumunta ng presinto at ipadakip ang kanyang mister.

Show comments