MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Mayor Alfredo Lim sa mga residente at sa mga kukuha ng building permit na maaari nang makuha ang permit sa loob lamang ng tatlong araw at hindi na aabutin pa ng 15 araw.
Ang paniniyak ay ginawa ni Lim kasabay ng kanyang kautusan kay City Building official chief, Engr. Melvin Balagot na madaliin ang proseso ng pag-iisyu ng building permit sa mga nais na kumuha nito.
Lumilitaw na sa building regulations, ang pagpapalabas ng building permit ay umaabot ng 15 araw kung kumpleto ang requirements o papeles ng isang aplikante.
Naglalabas ng building permit si Balagot sa mga structural, plumbing, sidewalk at architectural.
Giit pa ni Balagot na wala na ring height limit sa mga itatayong gusali at hindi na kailangan pang kumuha ng permit mula sa sa Air Transportation Office (ATO).