MANILA, Philippines - Kanselado ang pasok ng may 21 public schools sa Quezon City sa panahon ng State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino sa Hulyo 26, araw ng Lunes.
Ito ay batay sa rekomendasyon ng Quezon City division of schools kaugnay sa mga aktibidades ng SONA ni P-Noy na posibleng maapektuhan ng pagdagsa ng mga tao na tutungo sa Kongreso bukod pa ang inaasahang pagsasagawa rin ng mga rali ng iba’t ibang grupo.
Ang mga suspendido ang klase sa elementarya ay sa Batasan Hills Elementary School, Payatas A Elementary School, Payatas B Elementary School, Payatas C Elementary School, Payatas B Annex Elementary School, San Diego Elementary School , Bagong Silangan Elementary School, Doña Juana Elementary School, Commonwealth Elementary School, Commonwealth Annex, Manuel L. Quezon Elementary School, Culiat Elementary School at New Era Elementary School.
Sa high school suspendido ang klase sa Bagong Silangan High School, Batasan Hills National High School, Commonwealth High School, New Era High School, Justice Cecilia Munoz Palma High School, Holy Spirit High School, Culiat High School, Judge Feliciano Belmonte High School.
Kaugnay nito, inaatasan ni QC Mayor Herbert Bautista ang DPOS at iba pang concerned agencies na makipag-ugnayan sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para matiyak na maayos at payapa ang isasagawang SONA ni Pangulong Aquino. (Angie dela Cruz/Danilo Garcia)