Sa unang Sona ni P-Noy: Number coding suspendido sa Lunes

MANILA, Philippines – Kinansela ng Metro­po­litan Manila Develop­ment Authority (MMDA) ang implementasyon ng “number coding” sa lahat ng uri ng sasakyan sa da­rating na Lunes kasa­bay ng unang “State of the Nation Ad­ dress” ni P­a­­­ngulong Be­nigno Aqui­­no III.

Sinabi ni MMDA Chairman Oscar Inocen­tes na ito’y upang hayaan ang malayang pagbiyahe ng mga motorista na nais makita si Pangulong Aquino ng personal sa unang SONA nito sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Saklaw ng kanselas­yon ang lahat ng uri ng sasakyan, maging pri­bado o pampasahero.

Nagdesisyon ang MMDA na kanselahin ang number coding dahil sa dami umano ng mga nagnanais na dumalo sa SONA at kahilingan na nakarating sa kanila.

Show comments