'Oplan Unos' inilunsad ng MMDA

MANILA, Philippines - Ilulunsad ngayon ng Metropo­litan Manila Development Authority (MMDA) ang “Incle­ment Weather Emergency Prepared­ness and Response Plan” o tinawag nilang “Oplan Unos” na magiging basehan ng ka­nilang sistema­tikong aksyon sa oras ng mga kalamidad na tumatama sa bansa.             

Sinabi ni MMDA Chairman Oscar Inocen­tes, ang Oplan Unos ang kanilang tugon sa isina­saad ng Republic Act 7924 na siyang lumi­likha sa ahensya at nagsasaad din na ito ang panguna­hing ahensya na tutugon sa mga kalamidad sa Kalakhang Maynila.             

Pangunahing tututukan ng programa ang mabawasan ang masamang epekto sa mga ari-arian at buhay sa pagsalanta ng mga bagyo, matinding ulan, at pagbabaha sa pama­magitan ng pagpapakalat ng impormasyon, maagang babala at mga advisories.             

Tatlong alert levels ang ipalalabas ng MMDA depende sa sitwasyon ng panahon: Una ang “code yellow ” sa oras na mamataan ng PAGASA ang isang “low pressure” sa teri­toryo ng Pilipinas; “code blue”, kapag naitaas na ang signal no. 1 sa Metro Manila o nakara­ranas na ng matinding ulan sa loob ng isang oras; at “code red”, kapag itinaas ang signal no. 2 sa Kamaynilaan. Tatlumpung porsyento ng mga tauhan ng MMDA ang ikakalat sa “code yellow”, 60% kung itinaas ang “code blue” at 100% ng ta­uhan ang itatalaga sa oras ng “code red”.

Show comments