Fetus iniwan sa bus

MANILA, Philippines - Isang patay na fetus na lalaki ang iniwan ng walang pusong ina nito sa loob ng isang pampasaherong bus na nakaparada sa tapat ng Re­demptorist Church sa Para­ñaque City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:45 ng gabi nang nadis­kubre ni Arvin Morelo, 18, ang fetus na nasa kahon ng hopia habang nililinis ang Admiral Transport bus (TXU-895).

Agad na sinabi ni Morelo ang pagkakadiskubre sa fetus sa driver ng bus na si Nell Gense, 43, ng Millionaire’s Village, Novaliches, Quezon City

Dinala naman sa Pasay City police ang fetus upang magawan ng imbestigasyon at saka inilagak sa Veronica Funeral Parlor.

Show comments