Biktima ng rape, itinapon sa Pasig River

MANILA, Philippines - Walang saplot na pang-ibaba nang makita ang bangkay ng isang babae na hinihinalang biktima ng rape na lumutang sa Pasig River, sakop ng Panda­can, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay inilara­wan na nasa edad na 18 hanggang 20, 5’1’’ ang taas, mahaba ang buhok, nakasuot ng bulaklaking blouse at walang suot pang-ibaba.

Sa ulat ni SPO2 Virgilio Martinez ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2 ng hapon nang madiskubreng naka­lutang ang biktima sa ilog, bahagi ng Pandacan.

Isang lalaking naglilinis sa ilog ang nakatuklas sa lumulutang na katawan ng biktima sa nasasakupan ng 839 Zone 91, District 5 kaya agad niya itong ipi­nag­bigay-alam sa Philip­pine Coast Guard (PCG) Pureza-Base.

Malaki ang hinala na ni-rape ang biktima bago pi­natay at itinapon sa ilog.

Show comments