Ex-police na galamay ni Boratong, tiklo

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) ang isang dating pulis na sina­sabing galamay ni “shabu tiangge operator” Amin Imam Boratong sa isang buy-bust ope­ration sa Pasig City. Na­ ki­lala ang nadakip na si dating PO2 Ramil Along, 40, ng C. dela Paz St., Brgy. Caniogan, ng na­turang lungsod.             

Sa ulat na inilabas ni Sr. Insp. Dennis David, ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group, isina­ilalim nila sa surveillance ope­ration si Along at kasamahan na si alyas Mac-Mac mula pa noong Mayo makaraang ma­­batid na isa ang grupo nila sa humalili sa operasyon ng iligal na droga sa lungsod na pina­mumunuan noon ni Boratong.             

Isa naman nilang asset ang lumantad makaraang makipag­ka­sundo sa pagbili ng mga pa­kete ng shabu sa mga suspek. Dito na naglunsad ng entrap­ment operation ang pulisya kung saan nadakip si Along sa Mercedez Avenue at Market Avenue sa Brgy. San Miguel habang nasa gitna ng tran­saksyon.             

Bukod sa marked money at ibinentang sachet ng shabu, nakumpiska pa kay Along ang 11 pang pakete ng iligal na droga nang kapkapan ito ng mga pulis.             

Matatandaan na natagpuan ang police uniform ni Along sa isang barung-barong sa shabu tiangge nang salakayin ito ng mga awtoridad noong 2006.             

Kinilala naman ng testigo ng pamahalaan na si Samer Palao si Along at 21 pang pulis Pasig na nagbibigay ng proteksyon sa operasyon ni Boratong. Kinilala rin ni David si Along na nasa likod ng pagpaslang sa isang confidential agents, isang asset ng isang television network at maging mga tao nilang drug pusher na hindi nakapag-remit ng kanilang napagbentahan sa iligal na droga.

Show comments