Vendor utas sa porter

MANILA, Philippines - Isang vendor ang na­matay makaraang pagsa­sak­sakin ng isang porter habang nasa kalagitnaan ng mainitang pagtatalo sa Ba­lintawak Market sa lungsod Quezon, kaha­pon ng umaga.

Tatlong saksak sa kata­wan ang tumapos sa buhay ni Jun Maranan, 39, ng 127 Progreso St., Bagong Barrio, Caloocan City.

Hindi naman natukoy ng awtoridad ang pagkaka­kilanlan ng suspect bagama’t sinasa­bing isa itong porter sa pa­lengke na mabilis na tuma­kas makaraan ang krimen.

Ayon kay SPO3 Jun Mortel, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Que­zon City Police District, nang­yari ang insidente sa harap ng North Diversion Market­ dakong alas-8 ng umaga. Kasalu­kuyang nagtitinda ang bik­tima nang biglang lapitan ng suspect at kinom­pronta sa hindi mabatid na kadahilanan.

Ang komprontasyon ay nauwi sa mainitang pagta­talo hanggang sa biglang nag­bunot ng patalim ang suspect at pagsasaksakin ang biktima sa mukha, dibdib at kamay.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, posible umanong may dati nang alitan ang bik­tima at suspect hanggang sa isagawa ng huli ang kanyang balak sa una.

Show comments