Magtibay bagong NPD director

MANILA, Philippines - Pormal nang naupo kahapon bilang bagong director ng Northern Police District (NPD) si Chief Supt. Rodolfo Magtibay.

Sa isinagawang turn over ceremony sa NPD headquarter sa Tanigue St., Caloocan City, isinalin ni dating NPD director Chief Supt. Samuel Pagdilao ang panunungkulan kay Magtibay.

Kung saan si Pagdilao naman ay mauupong Regional Director ng Region 6.

Ayon kay Magtibay na kabilang sa PMA class 78 at dating Director ng Manila District Police, kahit kulang sa pondo ang pulisya ay hindi ito magiging hadlang upang magtrabaho ang mga pulis.

Show comments