Ginang na police informer, itinumba

MANILA, Philippines - Dalawang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang ginang na umano’y asset ng pulisya matapos na barilin nang malapitan ng isang hindi nakikilalang salarin sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Si Lucila Alejo, alyas Lucy, 47, vendor ng Brgy. Sta. Monica sa lungsod ay agad na nasawi matapos ang pananambang ng suspect na nakasuot ng puting t-shirt at maong na short pants. Sa ulat ni PO3 Modesto Juanso ng Crimi­nal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police, nangyari ang insidente sa Dumalag St., corner Quirino Highway Brgy. Sta. Monica No­valiches, Quezon City pasado alas-5 ng hapon.

Ayon kay Yolanda Cordovilla, abala siya sa pagbabantay ng kanyang paninda nang maka­rinig siya ng dalawang malalakas na putok ng baril sa nasabing lugar.

Agad niyang pinuntahan ang pinanggalingan ng putok para tingnan kung saan naabutan niya ang biktima na nakahandusay sa semento habang umaagos ang dugo sa kanyang ulo.

Sa pagsisiyasat sa anak ng nasawi, sinabi nito na ang kanyang nanay ay im­pormante ng pulisya. Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng bala, deformed slug at fire cartridge ng kalibre 45 baril na ginamit ng salarin sa paglikida sa biktima. 

Show comments