Pulis todas sa viagra

MANILA, Philippines - Isang pulis ang nasawi nang kapusin sa paghinga matapos uminom ng tab­letas na pampagana sa pakikipagtalik habang ka­sama ang isang hindi pa naki­kilalang babae sa loob ng isang motel sa Calo­ocan City kahapon ng madaling- araw.

Dead-on-arrival sa Chinese General Hospital si PO3 Ramil Verano, 42 ng District Mobile Force ng Northern Police District at residente ng Salmon St., ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala 1:30 ng madaling-araw, nang mag-check-in ang biktima ka­sama ang isang hindi pa nakikilalang babae sa Rm. 17 ng Marsman Motel, na matatagpuan sa Rizal Avenue­, Caloocan City.

Makalipas ang isang oras ay tumawag sa front desk ang babae at sinabing kinakapos sa paghinga ang pulis na naging dahilan upang dalhin sa nabanggit na pagamutan.

Nakuha sa kuwarto ang isang Chinese medicine na pampagana sa sex na sina­sabing ininom ng biktima.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang kasama ni Verano upang mahingan ng pahayag hinggil sa insidente.

Show comments