Bangkay natagpuan

MANILA, Philippines - Hinihinalang biktima ng “summary execution” ang isang bangkay na natag­puang naaagnas sa isang bakanteng lote sa Las Piñas City kahapon ng umaga.

Inilarawan ng pu­lisya ang bangkay na nasa pagitan ng edad na 30-35, katamtaman ang kata­wan, nakasuot ng maong na shorts, itim na t-shirt at may tattoo sa likod. Hindi naman makilala ang mukha nito dahil sa pagka­agnas.

Nabatid na natagpuan ang bangkay dakong alas-6:30 ng umaga sa bakan­teng lote sa Pilar Executive Village sa Almanza I, ng tricycle driver na si Ludy dela Cruz, 29. Masangsang na amoy ang naging daan upang madiskubre nito ang naaagnas na bangkay.

Tadtad ng tama ng sak­sak sa katawan ang biktima na hinihinalang pinaslang sa ibang lugar at itinapon la­mang sa bakan­teng lote ng mga salarin.

Show comments