Nagpa-5-6: Trader inambus

MANILA, Philippines - Patay ang isang negos­yanteng babae, matapos na barilin ng hindi pa nakikila­lang lalaki habang naka­tayo sa harap ng kanyang bahay sa Port Area, Maynila, ka­makalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Os­pital ng Maynila ang bik­timang si Maria Thereza Teeric, 49, ng Block 9 Ba­seco, Port Area, Maynila sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Sa ulat ni Det. Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insi­dente sa harap ng bahay ng biktima.

Katatapos lamang ku­main ng biktima nang ma­isipan nito na maningil ng pa­utang kasama ang kaibi­gang nakilala lamang sa pangalang Virgie.

Bigla na lamang duma­ting ang suspect at walang sabi-sabing binaril sa ulo ang biktima.

Ayon kay Kabigting, bago naganap ang insidente ay palagi umanong binaban­taan ni Robert Manrique, live-in partner ng kanyang anak na si Anabelle ang biktima.

Dalawang anggulo ang tinitignan ng pulisya kabilang ang pagpapautang ng bik­tima at ang banta ng kan­yang manugang.

Show comments