QC treasurer kinilala bilang most outstanding treasurer ng konseho

MANILA, Philippines - Pormal na kinilala bilang “most outstanding” Treasurer ng Quezon City si outgoing treasurer Victor Endriga sa pamamagitan ng resolution na ipinalabas ng city council sa lungsod.

 Si Endriga, na naglingkod bilang QC treasurer noong 2001, ay nakatakdang umalis sa kanyang tanggapan sa June 30, 2010, kasabay ng pag­lisan din ni Mayor Fe­liciano Belmonte Jr.

Ang resolusyon ay binasa kahapon ni Belmonte sa Flag ceremony na dinalu­han ng buong miyembro ng city coun­cil, gayundin ng mga con­gress­men sa apat na distrito ng lungsod. Ang kopya ng re­solution ay nilagdaan ng bu­ong city council, Mayor Bel­monte at QC mayor-elect Her­bert Bautista ay ibinigay kay Endriga.

Nakasaad sa resolution na simula na pamunuan ni En­driga ang tanggapan noong 2001 ay naging maayos ang koleksyon ng buwis sa lung­sod. Kinilala rin sa resolusyon si Endriga bilang instru­mento para ituring ang lungsod bilang richest local govern­ment sa buong bansa dahil sa revenue collections mula 2002 hanggang 2009.

Show comments