Interconnectivity tie-up ng LTO, LTFRB suportado ng transport groups

MANILA, Philippines - Nagsama sama ang iba’t ibang transport orga­nisas­yon sa bansa upang hika­yatin ang Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transpor­tation Office (LTO) na su­porta­han at dagliang ipatupad ang interconnectivity pro­ject upang tuluyan ng ma­sugpo ang talamak na kolorum at out of line vehicles sa lansangan.

Kabilang sa mga na­na­wagan ang Pasang Masda, Alliance of Concern Transport Organization (ACTO), Asso­ciation of Taxi Operators in Metro Manila (ATOMM) at iba pang grupo sa ilalim ng koalis­yong United Transport Koa­lisyon (1UTAK). Anila kapag naipatupad na ang intercon­nectivity project ay malaki na ang maiuuwing kita ng mga lehitimong tsuper ng pampub­likong sasakyan dahil mawa­wa­lan na sila ng kakumpeten­siyang mga ko­lorum at out of line na sa­sakyan Sinabi naman ni ACTO president Efren De Luna na may 365,000 strong members ng kanilang organi­zation, sa pamamagitan umano ng interconnectivity project ay makakasiguro ang riding public na ang kanilang sina­sakyang pampublikong sa­sak­yan ay mayroong genuine franchise at covered ng in­surance policy.

Sa ilalim ng proyektong interconnectivity project ay magiging online at bibilis ang franchise verification at docu­ments processing sa LTFRB bago pa man ire­histro ang isang pam­pub­likong sasak­yan sa LTO.

Samantala, suportado din ng DOTC ang interconnecti­vity tie-up ng LTO at LTFRB. Isa ito umano sa maituturing na major innovations sa lara­ngan ng transportation na sinimulan noong 2005 na ang tanging layunin ay matapos na ang suliranin sa mga colo­rum at out of line vehicles sa bansa.

Show comments