Raket sa PLM pinasisilip ni Lim

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Ma­nila Mayor Alfredo Lim kay Secretary to the Mayor Ra­faelito Garayblas, ang uma­no’y raket sa pagpapasok ng estudyante sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) para makapag-aral.

Ang aksiyon ni Lim ay ka­sunod ng paghingi ng tulong ng ina ng isang estudyante na si Analyn, 16, kay Garayblas na isang “Boy Mendoza” na tauhan umano ng isang kon­sehal ng Maynila ang nag-aalok ng serbisyo para maka­pasok ang estudyanteng lumagpak sa examination.

Sa reklamo ng biktima, tiniyak umano ni Mendoza, na makakapasok si Analyn at kaibigan nito sa PLM.

Nakumbinsi naman ang dalawang estudyante dahil na­kita nilang labas-pasok si Men­ doza sa opisina ng konsehal. Dito ay pinangakuan ni Men­doza ang dalawang es­tud­yante na makakapag-enroll sa PLM kapalit ng P3,000.

Ipinasiya ng dalawang biktima na hingin ang tulong ni Garayblas, matapos na wa­lang mangyari sa pangako ni Mendoza at hindi sila napag-enroll sa naturang paaralan.

Samantala, nagbigay na­man ng babala si Garay­blas sa mga magulang at es­tud­yante na huwag maniwala sa ganitong raket para maka­pa­sok sa PLM.

Show comments