Toll fee increase sa SLEX iniurong

MANILA, Philippines - Hindi Hunyo 30 kundi sa Hulyo 7 na maipa­tu­tupad ang toll fee increase sa South Luzon Expressway ng South Luzon Tollway Corp. (SLTC) na aabutin ng  250 percent. Ayon kay Alma Tuazon, tagapagsalita ng SLTC, ang na­sabing hakbang ay bilang respeto at suporta kay President-elect Benigno Simeon Aquino III na manunumpa bilang ika-15 pa­ngulo ng bansa sa June 30 kung saan ang petsa  rin na ito ang orihinal na target ng naturang toll fee increase.

Kaugnay nito, sa July 10 naman ipatutupad ng  operator ng  Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa Batangas, ng  Star Infra­structure Development Corp. (SIDC) ang 10 porsiyento sa toll hike  sa  halip na June 30 rin.

Show comments