Biktima ng salvage natagpuan

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang pinatay sa sakal ang isang lalaki bago ito isinilid sa sako at binalutan ng packaging tape ang mukha saka itinapon sa ilalim ng tulay sa Caloocan City kahapon.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima na hinihinalang biktima ng summary execution.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang matagpuan ang biktima sa ilalim ng tulay ng Sampaguita Subd., ng nabanggit na siyudad.

Show comments