2 parak nagduelo dahil sa video karera

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang pulis Maynila matapos ang maini­tang pakikipagtalo na nauwi sa duelo sa kapwa pulis na naka­ talaga sa Camp Crame Que­zon City dahil umano sa video karera sa Tondo, May­nila, kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa Mary Johns­ton Hospital si PO2 Alfredo Cus­todio, ng Manila Police Dis­trict-District Police Intelligence and Operations Unit (MPD-DPIOU), dahil sa tinamong tama ng bala sa tiyan.

Ayon sa ulat, nabaril siya ng suspect na si PO1 Dranreb Cipriano ng PNP-Camp Crame, na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni Donald Pana­ligan ng MPD-General As­sign­­ment Section, dakong ala-1 ng hapon nang maga­nap ang duelo sa Capulong Highway sa Velasquez St., Tondo, Maynila.

Sinabi ni Ruby Custodio, maybahay ng biktima, naka­sagutan ng kanyang mister si Cipriano matapos umanong kumpiskahin ang video karera na pag-aari umano ng huli.

Naunahang mabaril ni Cipriano si Custodio nang kapwa umano bumunot ng baril nang maghamunan dahil sa video karera. Nang na­kitang humandusay na ang biktima, lumapit umano ang suspect sa biktima at kinuha ang baril nito bago tumakas.

Show comments