Prexy ng drivers association, dinedo

MANILA, Philippines - Patay ang presidente ng jeepney drivers association matapos barilin ng isa sa tatlong hindi pa naki­kilalang lalaki sa loob ng pampasa­herong jeep sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Va­len­­zuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa kanang sentido si Santiago Bautista, 49, presidente ng Monu­mento-Polo Drivers Associa­tion at residente ng Remigio St., Brgy. Maysilo ng lungsod na ito.

Mabilis namang tuma­kas ang mga suspect ma­tapos ang isinagawang krimen. 

Sa inisyal na imbesti­gas­yon ng pulisya, alas-7:15 ng gabi, kasakay ng biktima ang mga suspek sa pam­pasahe­rong jeep na mina­maneho ni Federico Marcos at pagsapit sa M. H. del Pilar, Tenejeros ng lungsod na ito ay isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at ipinutok nang mala­pitan kay Bautista.

Inaalam na ng mga pulis­ kung may kaugnayan sa pa­giging presidente ng biktima ang ginawang pagpatay dito.

Show comments