Army utas sa hit-and-run

MANILA, Philippines - Matapos na makipag-away sa kanyang misis, patay ang isang sarhento ng Philippine Army (PA) makara­ang masagasaan at maka­ladkad ng isang itim na van habang tumatawid sa madilim na kalsada sa loob ng Fort Bo­nifacio sa Taguig City, ka­hapon ng madaling-araw. Basag ang bungo at bali-bali ang mga buto ng bikti­mang si T/Sgt. Domingo Di­morong, 50, ng Army Sup­port Com­mand sa Fort Boni­facio ha­bang nakatakas naman ang driver ng van na hindi rin na­plakahan.

Sa ulat ng Taguig police, na­ganap ang insidente da­kong alas-12:30 ng ma­daling-araw sa Lawton Ave. sa loob ng kampo. Tila wala umano sa sarili ang biktima na nagla­la­ kad nang mabundol ng ru­ma­raga­sang van at nakalad­kad pa ng may 20 metro ang layo.

Nabatid na bago naganap ang insidente ay nagkaroon ng pag-aaway ang biktima at misis nito hanggang sa ipasya na lamang ng una na umalis ng bahay upang magpa­hangin.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman kung sino ang salarin bagamat nanana­wagan na ring sumuko na upang agad na malutas ang kaso.

Show comments