Kelot binoga habang natutulog

MANILA, Philippines -  Tuluyan nang hindi nagi­sing ang isang lalaki mata­pos itong barilin sa ulo ng dala­wang hindi pa nakiki­lalang suspek habang ang una ay natutulog sa loob ng bahay nito kahapon ng umaga sa Malabon City.

Dead-on-the-spot ang bik­timang si Vicente Bue­naflor, ng Flovihomes, Brgy. Tonsuya ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang tuma­kas ang hindi pa nakikilalang mga suspek. Sa pagsisi­yasat ng pulisya, naganap ang insi­dente dakong alas -3:30 ng umaga sa loob ng bahay ng biktima sa nabang­git na lugar.

Nabatid na natutulog ang biktima nang pasukin ng mga suspek at paputukan ng baril sa ulo na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insi­dente.

Show comments