MANILA, Philippines - Nalimas ang bahay ng ka-patid ng isang photo-grapher na nakatalaga sa Malacañang ma-karaang hagisan at pa-amu-yin ng gamot na pampa-tulog ng mga pinaghihinalaang miyem-bro ng akyat bahay gang, kaha-pon ng umaga sa Caloocan City.
Sa report ng Station Inves-tigation Division (SID) ng Ca-loocan City Police, naganap ang insidente sa Saint James, Deparo ng nabanggit na lungsod.
Ayon kay Grace Burgos-Altamia, kapatid ng photo-grapher na si Jack Burgos, dakong alas-5:00 ng umaga ng kanilang madiskubre ang panloloob ng hindi pa kilalang mga suspek.
Kung saan hindi nagising ang mga nasa loob ng bahay dahil sa sobrang himbing ng ka-nilang mga tulog at may hinala ang pulisya na posibleng may naghagis ng gamot na pam-patulog na naamoy ng mga ito.
Dahil dito, malayang naka-pangulimbat ang mga suspek sa loob ng bahay.
Hanggang sa ngayon ay patuloy na nagsasa-gawa ng follow-up operation ang mga pulis sa nasabing insidente.