4 katao hulog sa 25th floor, dedo

MANILA, Philippines – Apat na steelman  ang namatay habang isang welder  ang na­sugatan nang mahulog ang mga ito sa 6th floor mula sa 25th floor ng kanilang gina­gawang elevator sa isang construction site kamaka­lawa ng gabi sa Quezon City. 

Namatay habang gi­ n­a­gamot sa Quezon City General Hospital sina Leo Vinas, Gilbert Leo­nardo, Joey Dilloza at Gabriel Rejuso,  pawang steel­man  samantalang patuloy na­mang inoob­ser­ba­han sa naturan ding ospital si Carlos Lano­jan,  welder.

Ang mga bik­tima ay pa­wang mga nagtatra­baho sa #137  PGI cons­truction project sa West Avenue ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay PO3 Greg Marang ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Unit, naga­nap ang insidente da­kong alas-6:30 kamaka­lawa ng gabi kasabay ng malakas na hangin at pag-ulan.

Nagkakabit ng brace at sheer wall ng elevator ang mga biktima nang biglang   bumaluktot ang bakal na kanilang tinu­tun­tungan.

Kasabay ng malakas na hangin posible uma­nong na out of balance ang mga biktima hang­gang sa ma­hulog.

Subalit ayon naman kay Engr. Nelson Lontoc, na­ma­­mahala sa nasabing construction site, impo­sib­­leng bumaluktot ang bakal na tinutuntu­ngan ng mga biktima dahil kong­kreto itong nakakabit sa 22th floor.

Show comments